KKDAT Laoag Chapter, pormal na inilunsad ang PROJECT OBAK: Oplan Balik Alindog ng Kalikasan

Pormal na inilunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ang PROJECT OBAK: Oplan Balik Alindog ng Kalikasan sa Brgy. 62-B Navotas, Laoag City, Ilocos Norte nito lamang ika-3 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay kinaisahan ng mga SK officials, Barangay officials, at Laoag City PNP na pinapangunahan ni Police Lieutenant Colonel Andrew P Rabang, Officer-in-Charge. Ang aktibidad ay may layunin na ipaalala sa mamamayan ang responsableng pagtatapon ng basura at pagbabawas ng mga plastik na pang-isahang gamit upang mapanatiling malinis ang karagatan.

Samantala, patuloy naman ang KKDAT sa pagsasagawa at pagpaplano ng mga aktibidad kung saan may layunin na panatilihin ang kasiglahan ng kalikasan.

Source: Kabataan Kontra Droga at Terorismo- KKDAT LAOAG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *