MBK-LC at Ballesteros PNP, nagsagawa ng feeding program

Masayang pinilahan ng mga bata ng Shining Light Baptist Church ang isinagawang feeding program ng My Brother’s Keeper Life Coach (MBK-LC) at Ballesteros PNP sa Barangay Fugu, Ballesteros, Cagayan noong Disyembre 3, 2023.

Tuwa at pasasalamat ang tugon ng mga bata sa kanilang libreng pagkain na natanggap mula sa grupo. Samantala, nagbahagi din ng salita ng Diyos si Pastor Michael Lucena, Life Coach, na aktibong pinakinggan ng mga bata.

Patuloy ang pagpapakita ng Advocacy Support Groups ng kanilang suporta sa mga kapulisan na kung saan sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagtutulungan ng dalawang grupo ay naging matagumpay ang aktibidad.

Layunin nito na paigtingin ang ugnayan at suporta ng mga stakeholders at advocacy support groups sa komunidad kasama ang kapulisan para makatulong sa mga kababayan. Dagdag nito ay upang ipadama ang malasakit ng PNP at mga grupong katuwang nito sa pagsusulong ng kapayapaan at katahimikan sa komunidad.

Source: Ballesteros Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *