Tree Planting, at Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Binalonan Pangasinan

Pinangunahan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups, barangay officials, at TUPAD ang Tree Planting, at Clean-Up Drive Activity sa Brgy. Pasileng Sur, Binalonan, Pangasinan nito lamang ika-5 ng Disyembre 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang Binalonan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Zainon Paiking, Officer-in Charge. Ang naturang aktibidad ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon ay patuloy na nakikiisa sa ating kapulisan upang mapanatili ang sigla at kalinisan ng ating kapaligiran.

Samantala, patuloy naman ang grupo na palalahanan ang mamamayan na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran. Source: Binalonan, Municipal Police Station, Pangasinan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *