Miyembro ng BPATs, sumailalim sa Handcuffing and Arresting Technique Training sa Sorsogon

Bulan, Sorsogon -Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Handcuffing and Arresting Technique training na ginanap sa Barangay Zone 5, Bulan, Sorsogon nito lamang Disyembre 2, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Bulan Municipal Police Station sa pamumuno ni PLtCol Virgil B Bibat, Chief of Police ng Bulan MPS.

Itinuro sa mga miyembro ng BPATs ang tamang pamamaraan kung paano ang tamang pagpoposas at pag-aresto sa mga taong lumalabag sa batas. Layunin ng pagsasanay na mahasa ang kaalaman at kakayahan ng bawat indibidwal na miyembro BPAT’s habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang isang force multipliers ng PNP sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *