KKDAT Dalipay Chapter, nakilahok sa Clean-up Drive Activity sa Milaor Camarines Sur

Milaor, Camarines Sur- Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) Dalipay Chapter sa isinagawang Clean-up Drive Activity na ginanap sa Barangay Dalipay Milaor Camarines Sur nito lamang Enero 6, 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Milaor Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Venchito V Cerillo, Chief of Police.

Nagtulong-tulong ang mga kalahok sa paglilinis ng mga basurang nakakalat sa paligid upang masiguro ang kalinisan sa naturang barangay at makaiwas anumang uri ng sakit dulot ng maduming paligid.

Ang KKDAT sa lugar ay patuloy na makikiisa sa mga aktibidad ng Pambansang Pulisya upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *