Clean Up Drive, isinagawa sa bayan ng El Nido

Palawan – Nagsagawa ng Clean Up Drive ang mga barangay officials at mga benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay San Pedro, El Nido, Palawan noong Ika-26 ng Enero 2024.

Kaisa ng grupo ang mga kapulisan ng 4th Platoon, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Joey Boy D Peña, Platoon Leader sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Mhardie R Azarez, Force Commander.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng kapulisan at komunidad at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.

Sa pamamagitan ng gawaing ito ay masisiguro ang kahalagahan ng pagkakaroon ng produktibong komunidad sa bansang ating ginagalawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *