Force Multipliers, nakiisa sa Capacity Enhancement Training sa Lezo, Aklan

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang Capacity Enhancement Training na ginanap sa Barangay Bugasongan, Lezo, Aklan nito lamang ika-27 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Lezo Municipal Police Station na dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peace and Order Council, Barangay Anti-Drug Abuse Council, Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee, at mga Barangay Tanod ng nasabing lugar.

Ang pagsasanay ng mga force multipliers ay naglalayong mapalakas ang kanilang kakayahan sa aspeto ng seguridad at pagharap sa mga kritikal na sitwasyon.

Layunin ng grupo na madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *