KKDAT, nakiisa sa Gift-giving at Information Drive sa South Cotabato






Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Gift-giving Activity sa Sitio Lam-apus, Brgy. Little Baguio, Surallah, South Cotabato nito lamang Lunes, Enero 29, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Surallah Municipal Police at 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga miyembro ng isang Bansang Pilipinas (IBP), Stream Rider ng Surallah Trail Rider at Exo Advocacy Ministry.
Aabot naman sa humigit kumulang 200 na mga bata at mga magulang sa naturang barangay ang nakatanggap ng munting regalo, masusustansyang pagkain, mga damit, at iba pang mga serbisyo na hatid ng mga lingkod bayan.
Sa kabilang banda, nagkaroong din ng talakayan patungkol sa mga batas na pomoprotekta sa ating mga kabataan at kababaihan.
Layunin ng aktibidad na magbigay tulong at kaalaman sa mga kabataan at kanilang mga pamilya hinggil sa kanilang kaligtasan at kaayusan.
At dahil sa serbiysong nagkakaisa ng mga naturang sektor ng lipunan, nagiging mas malakas ang pundasyon ng mapayapang pamumuhay at pag-unlad para sa lahat.