Advocacy Support Groups, nakiisa sa Clean-up Drive sa Tanza, Cavite

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Clean-Up Drive ng Tanza PNP na ginanap sa Brgy. Amaya 3, Tanza, Cavite nito lamang Miyerkules, Enero 31, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Annaliza P Flores, CPCAS, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Willy B Salazar, Acting Chief ng Tanza Municipal Police Station kasama ang mga Barangay Officials, BPATs from Barangay Amaya, Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) at Women Sector Advocacy Group sa nasabing lugar.

Nagwalis ang mga grupo at tinanggal ang mga nakabaradong basura sa kanal.

Tinatayang walong sakong basura ang nakalap sa naturang paglilinis. Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng nasabing barangay sa aktibidad na isinagawa ng grupo upang mapanatili at masiguro ang kalinisan, disiplina, kalusugan at kaligtasan ng bawat residente ng nasabing barangay. Layunin nitong maiwasan ang sakuna at sakit dulot ng maduming kapaligiran.

Source: Tanza Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *