BPATS, nakiisa sa Area Security ng Nueva Ecija PNP

Matagumpay ang isinagawang Area Security ng Nueva Ecija PNP kasama ang BPATS bilang parte ng pagdiriwang ng Patimyas-ani Festival sa Municipal Oval ng Quezon, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-30 ng Enero 2024.

Pinamunuan ni Police Major Christopher Baybayan, Force Commander, Nueva Ecija 2nd PMFC at si Police Captain Richard Fernando, Police Commisioned Officer, Community Affairs Development Section katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng nasabing lugar.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapaigting ang kampanya laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng area security at sa pakikipagtulungan at pakikiisa ng komunidad.

Hinimok din ng Nueva Ecija PNP ang mga mamamayan na patuloy na makipagtulungan sa mga kapulisan upang mapanatili ang isang payapa at progresibong siyudad.

Source: Nueva Ecija 2nd PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *