Force Multipliers, nakiisa sa pamamahagi ng relief packs

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pamamahagi ng relief packs sa Barangay Bagacay, Palapag, Northern Samar nito lamang Marso 26, 2024.

Ang naturang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga Barangay Officials, Municipal Social Welfare and Development Office, Barangay Health Workers, mga residente ng nasabing lugar at mga tauhan ng Revitalized Pulis Sa Barangay Team Bagacay sa pangangasiwa ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director ng Northern Samar Police Provincial Office.

Naging matagumpay ang pagpapaabot ng relief packs sa mga residente ng Barangay Bagacay na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa lockdown.

Ang pakikiisa ng grupo ay hindi lamang sa pagbibigay serbisyo sa pamayanan bagkus ay patuloy na kaagapay ng pamahalaan sa pagpapa-abot ng tulong sa mga kababayan nating biktima ng mga sakuna.

Panulat ni Camberleigh Flores

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *