Caravan on Farmers Financial Assistance and Fuel Discount Program, isinagawa

Nagsagawa ng Caravan on Farmers Financial Assistance and Fuel Discount Program ang Department of Agriculture XI nito lamang ika-10 ng Mayo, taong kasalukuyan sa Barangay Poblacion Gymnasium, New Corella, Davao City.

Kaugnay nito, nakatanggap ng Php5,000 cash assistance ang 629 na magsasaka ng palay at Php3,000 fuel discount card naman para sa mga magsasaka ng mais.

Sa kabilang banda, tiniyak naman ng New Corella Police ang maayos at ligtas na pagtatapos ng naturang aktibidad.

Dagdag pa rito, ang kwalipikasyon upang maging benepisyaryo ng naturang programa ay nangangailangan na ang magsasaka ay rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Binibigyang-halaga ng gobyerno ang hindi mapapalitang kontribusyon ng ating mga magsasaka kaya naman walang-sawa ito sa mga programang may layuning maghandog ng tulong sa mga ito lalo na ngayon sa panahong pabago-bago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *