Road Clearing Operation, isinagawa ng BLGU

Nagsagawa ng Road Clearing Operation ang mga tauhan ng Barangay Local Government Unit sa Barangay Bayog, Tagoloan, Lanao Del Sur noong ika-22 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ni Hon. Alnor B. Capal, Bayog Barangay Chairman ang naturang aktibidad katuwang ang mga personahe ng Lanao del Sur PPO, Ministry of the Interior Local Government Unit, at iba pang Force Multipliers.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng publiko gayundin ang pag-secure ng provincial road at pigilan ang mga teroristang grupo na magsagawa ng mga kriminalidad sa naturang barangay.

Patuloy na magtutulungan ang mga kapulisan, mga mamamayan at iba pang Force Multipliers upang itaguyod ang mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang magandang ugnayan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *