Advocacy Support Group nagsagawa ng Dental Mission sa Pasig City

Nagsagawa ng isang makabuluhang Dental Mission ang Pasig Advocacy Support Group sa Liamzon Multi-Purpose Hall, Liamzon Subdivision, Barangay Sta Lucia, Pasig City nito lamang Lunes, ika-17 ng Hunyo 2024.

Ito ay pinangunahan ni Ms. Estrellita F. Fabros, President ng GANDARA Pasig City Local Council of Women (PC-LCW) katuwang ang
Pasig City Police Station at Barangay Officials ng Sta. Lucia.

Layunin ng aktibidad na ito na isulong ang isang maayos na ugnayan sa komunidad at bumuo ng mas matatag na partnership sa pagitan ng PNP, LGU, Advocacy Support Groups at Stakeholder na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno pati na rin ang pagtugon sa mga isyu at alalahanin sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *