“Serbisyong Jong” handog ng Kiamba LGU
Matagumpay na naihatid ang “Serbisyong Jong” ng Lokal na Pamahalaan ng Kiamba sa pamamagitan ng Medical Mission sa mga residente ng Barangay Maligang, Kiamba Sarangani nito lamang ika-15 ng Hunyo 2024.
Pangunahing nagbigay ng tulong at suporta ang Rotary Club of Metro Dadiangas kasama ang Toyota Gensan.
Nakiisa din sa aktibidad ang mga tauhan ng Kiamba Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Ludovico V Rendaje Jr., Chief of Police.
Hatid ng Serbisyong Jong ang pagkakaroon ng libreng tuli, check-up at gamot.
Nagbigay din ng mga libreng school supplies at mga tsinelas para sa mga kabataan.
Tinapos ang programa sa isang feeding program.
Labis naman ang pasasalamat ng mga kabataan at mga residente na naging benepisyaryo ng Serbisyong Jong na hatid sa kanila ng Lokal na Pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na ito na matugunan at maihatid ang tulong sa mga nangangailangan na nasa liblib na lugar gaya ng mga serbisyong pangkalusugan.
Ang ating Lokal na Pamahalaan ay patuloy na maghahatid ng mga serbisyo para sa mamamayan para sa ikauunlad ng bawat Pamilyang Pilipino.
Panulat ni Bambam