Advocacy Support Group, nagsagawa ng Tree Planting Activity

Pinangunahan ng Advocacy Support Group at Malvar MPS ang isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Paliparan, Laurel Batangas nito lamang Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2024.

Aktibong nakiisa sa adhikain ang mga miyembro ng Barangay Advocacy Group, Barangay Officials at mga residente ng nasabing barangay kasama ang mga personahe ng Malvar Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Ralph Gannaban Dayag.

Nasa mahigit kumulang na 200 puno ang naitanim ng naturang grupo kaugnay sa Celebration of Arbor Day na may temang “A Special Tree to me”.

Layunin ng aktibidad na ito na pangalagaan ang inang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno para sa susunod na henerasyon na may layuning mabigyan ng mas ligtas na lugar ang komunidad at publiko.

Source: Pulis Malvar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *