Feeding Program, isinagawa ng Force Multipliers sa Pandacan, Manila

Pinilahan ng mga kabataan ang isinagawang feeding program ng Force Multipliers na ginanap sa Barangay 840 Zone 91, Pandacan, Manila nito lamang Linggo, ika-7 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni G. Edwin G Bitara mula sa Black Panther-Guardians Pandacan Chapter kasama ang SCADS ng Pandacan Police Station ng Manila Police District.

Namahagi ang grupo ng mainit na lugaw na dinagsa naman ng mga kabataan at residente ng nasabing barangay.

Ito ay naglalayong isulong ang maayos na relasyon sa komunidad tungo sa ligtas, mapayapa at progresibong pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *