Barangay Officials, nakiisa sa dayalogo sa Cagayan

Nakiisa ang mga opisyales ng Barangay Lemu sa Enrile, Cagayan sa isinagawang dayalogo patungkol sa pag-iwas sa mga kriminalidad ng mga kapulisan ng Enrile Police Station nitong ika-4 ng Setyembre 2024.

Bago pa man nagsimula ang talakayan ay nagkaroon muna programang KASIMBAYANAN(Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) na pinamunuan ni Pastor Lito Binasoy, Faith Based volunteer ng my Brothers Keep Life Coach.

Ito ay binibigyang kahalagahan ang magkakatuwang na gampanin tungo sa pagkakaisa at pagtutulungan upang matagumpay na maisakatuparan ang pagpapatupad ng mga batas at programa para sa kabutihan at kapakanan ng nakakarami.

Sumunod naman ang talakayan tungkol sa mga hakbang sa pag-iwas ng mga krimen. Kasama sa mga tinalakay ay ang RA 11313(Anti Bastos Law), RA 9262(Violence Against Women and their Children) at Anti-Terrorism Law. Layunin nito na bawasan o alisin ang krimen sa komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya at hakbang, tulad ng pagbibigay ng kamalayan ng mga batas at edukasyon sa publiko, at pakikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad.

Ang kampanya kontra kriminalidad ay ninanais na maiwasan ang pag-usbong ng mga di inaasahang insidente sa lugar. Ito ay bilang bahagi ng anti-criminality campaign ng Pambansang Pulisya tungo sa maayos, maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *