Outreach Program, isinagawa ng BHW Brooke’s Point, Palawan

ikinagalak ng mga magulang ng mag’aaral ng Day Care Center ang isinagawang Outreach Program ng Barangay Health Worker na ginanap sa Brgy. Oring-Oring, Brooke’s Point Palawan nito lamang ika-4 ng Setyembre 2024.

Naisakatuparan ang programa sa pangunguna ni Ms. Jumdiya Usman, Barangay Midwife katuwang ang mga kapulisan ng Brooke’s Point MPS sa pangunguna ni PCpl Jolly Dane S Dagwat, Asst. PCR PNCO at sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Sir Dhayrius Labao Redondo, Acting Chief of Police.

Naging bahagi rin sa programa ang pagbibigay lecture hinggil sa paksang EO 70 ELCAC or End Local Communist Armed Conflict upang mabigyan ng kamalayan hinggil sa paksa ang mga bata sa komunidad.

Ang gawaing ito ay salamin lamang na ang ahensya ng gobyerno at komunidad ay nagkakaisa at nagtutulungan upang mapahalagahan ang mga kabataan para sa isang mapayapa at maunlad na komunidad sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *