KKDAT, nakiisa sa 30th National Crime Prevention Week sa Koronadal City
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa pagdiriwang ng 30TH National Crime Prevention Week na may temang “Kabataan Tara Na, Sa Crime Prevention Kaisa Ka” sa Sitio Salkan , Barangay Paraiso, Koronadal City nito lamang ika-6 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng mga tauhan ng 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company ang aktibidad sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rey D Egos, Force Commander.
Dumalo din ang mga Barangay Local Government Unit (BLGU) at mga residente ng nasabing lugar. Tampok sa aktibidad ang talakayan tungkol sa ipinagbabawal na gamot at pagtalakay sa terorismo.
Binigyang diin din ang iba’t ibang crime prevention tips para maiwasan ang iba’t ibang krimen. Layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang mga residente para maiwasan ang maging biktima ng krimen. Mas mabuti ng maging maingat palagi at maging mapagmatyag upang makatulong na maging maayos at ligtas ang komunidad.