Faith Based Leaders, nagsagawa ng Children Spiritual Development sa Eastern Samar

0
458180398_8102278299841162_5615426999952052686_n

Nagsagawa ang mga Faith Based Leader ng Children Spiritual Development sa mga kabataan ng Barangay Nato na ginanap sa Multi-Purpose Covered Court, Taft, Eastern Samar nito lamang Setyembre 7, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Chelito Abiena Limsic, Values Life Coach kasama ang mga tauhan ng Taft Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Angelyn Glou A Cortado, Acting Chief of Police.

Ang mahigit 40 na kabataan na dumalo sa nasabing aktibidad ay nabigyan ng paggabay o Spiritual Upliftment at karagdagang kaalaman patungkol sa mga batas at mga dapat gawin upang maiwasan maging biktima ng anumang krimen.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng kapulisan, simbahan at pamayanan tungo sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *