KKDAT Symposium, isinagawa sa South Cotabato

Nagsagawa ang mga miyembro ng Surallah Municipal Police Station ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Symposium sa mga estudyante ng South Cotabato College State kaugnay sa PROJECT KAPKAP (Kuya Ateng Pulis Kaagapay Ko sa Aking Pag-aaral) at Crime Prevention Week sa Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato kahapon lamang Setyembre 7, 2024.


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PEMS Jerico T Magbanua, Investigation PNCO kung saan mahigit sa 400 na mag-aaral ang nabahagian ng kaalaman patungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga at terorismo.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kaalaman at ang papel ng kabataan sa pagsugpo ng mga ilegal na gawain sa kanilang komunidad.
Ang PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad para maghatid ng mga kamalayan sa ating mamamayan lalo na sa ating mga kabataan na mailayo sila sa anumang kapahamakan at magkaroon ng maayos at ligtas na pamumuhay.