Symposium Activity, isinagawa sa mga mag-aaral sa Lapu-Lapu City
Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral mula sa Pusok National High School sa isinagawang Symposium Activity sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City noong ika-6 ng Setyembre 2024.
Nasa mahigit 120 na senior high school students ang nakilahok sa naturang aktibidad na pinangunahan ng Police Station 5, Lapu Lapu City Police Office, sa pamumuno ni Police Major Ramil Q Dugan, Station Commander.
Nakatuon talakayan hinggil sa usaping may kinalaman sa Pag-iwas at Edukasyon sa Pag-abuso sa Droga sa pamamagitan ng programang Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA).
Bukod sa pagtalakay sa droga, ipinaliwanag din ang mga hakbang laban sa terorismo, na may kaugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa pagbuo ng Bagong Pilipinas, kasama sa mga pangunahing hakbang ay ang pagkakaroon ng isang ligtas at maayos na lipunan.
Ang naturang mga programa at inisyatibo, tulad ng isinagawang aktibidad ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng pulisya at ng pamahalaan upang tiyakin na ang bawat mamamayan, lalo na ang kabataan, ay maging mas alerto at handa sa pagsugpo sa krimen at terorismo sa bansa.