Feeding Program at Libreng Gupit, isinagawa sa Zamboanga del Sur
Matagumpay na naisakatuparan ang Feeding Program at Libreng Gupit sa Leonardo Elementary School, Zamboanga del Sur, noong Biyernes, Setyembre 13, 2024.
Pinangunahan ng Local Government Unit, katuwang ang 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jason M. Apana, Force Commander.
Ang mga serbisyong ibinigay ay libreng pagkain at libreng gupit naman para sa mga batang lalaki. Layunin ng aktibidad na ipamalas ang malasakit sa mga mamamayan at iparamdam ang pagmamahal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, katuwang ang PNP.