Life Coaches sa Cagayan, pinalakas ang koordinasyon at suporta sa PNP

0
viber_image_2026-09-15_11-31-19-061-1

Nagsagawa ng orientation ang Cagayan Police Provincial Office (CPPO), sa pamumuno ni PCol Mardito G. Anguluan, para sa mga Life Coaches na naglilingkod sa iba’t ibang police units at stations sa buong Cagayan noong Setyembre 14, 2026. Isinagawa ito sa pangunguna ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), sa pamumuno ni PMaj Sharon C. Mallillin, Chief, Regional Public Information Office.

Tinalakay ni Pastor Danny Punay, My Brother’s Keeper-Life Coach (MBK-LC) Regional Coordinator, ang kahalagahan ng volunteerism at mga wastong gawain at mga dapat iwasan sa pagtupad ng tungkulin bilang Life Coach. Nagbigay rin si PMaj Mallillin ng mga gabay at updates hinggil sa pagsasagawa ng Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) kaugnay ng 5-Focused Agenda ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., habang nagbigay si PSSg Analyn Urmatam ng updates sa Internal Disciplinary Mechanism Information System (IDMIS) portal accounts ng mga pastor.

Dumalo sa orientation ang mga pastor na nagsisilbing Life Coaches mula sa iba’t ibang police stations at units sa Cagayan, kasama ang mga personnel ng Municipal/City Community Affairs and Development Sections. Layunin ng aktibidad na higit na mapatatag ang koordinasyon at suporta sa pagpapatupad ng mga community-based programs ng PNP.

Binigyang-halaga naman ni PCol Anguluan ang patuloy na suporta ng mga Life Coaches sa mga police personnel, lalo na sa kabila ng mga hamon sa kanilang tungkulin. Hiniling niya ang patuloy na pagdarasal at pakikiisa ng mga Life Coaches para sa kapulisan, kasabay ng pagpapatibay ng kanilang partnership tungo sa mas matatag at makabuluhang serbisyo sa komunidad.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1FEkBUgiMn/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *