Handog ng Pangulo: “Serbisyong Sapat Para sa Lahat,” isinagawa sa Negros Oriental

0
viber_image_2026-09-17_12-25-09-630

Isinagawa ang programang Handog ng Pangulo: “Serbisyong Sapat Para sa Lahat” sa Dumaguete City Hall Grounds, Dumaguete City, Negros Oriental, nito lamang ika-14 ng Setyembre 2026.

Layunin ng programa na pagsama-samahin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maihatid nang direkta sa komunidad ang mga serbisyong kinakailangan ng mamamayan. Dumalo rito sina Mr. John Patrick C. Gregorio, Presidential Representative mula sa Philippine Sports Commission; Hon. Manuel “Chaco” L. Sagarbarria, Governor ng Negros Oriental at Hon. Manuel “Chuiquiting” T. Sagarbarria, Mayor ng Dumaguete City, kasama ang iba pang opisyal at kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan patunay ng sama-samang pagkilos tungo sa mas mabilis, inklusibo, at people-centered na serbisyo publiko.

Nakibahagi rin ang Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO), sa pamumuno ni PCOL JONATHAN B. ABELLA, Acting Provincial Director. Bilang katuwang sa programa, naghatid ang NOrPPO ng iba’t ibang frontline police at community services, kabilang ang police clearance processing, libreng dental check-up, “Tsine-las ni Tsip,” pamamahagi ng libreng champorado, information desk, at distribusyon ng Information, Education, and Communication (IEC) materials.

Umabot sa 222 indibidwal ang direktang napaglingkuran ng NOrPPO, bilang bahagi ng kabuuang 5,821 benepisyaryo ng aktibidad.

Bukod sa paghahatid ng serbisyo, naging mahalagang bahagi rin ng programa ang information desk at IEC materials upang mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa kaligtasan, seguridad, crime prevention, police services, at iba pang programa ng pamahalaan. Nakiisa rin ang mga tauhan ng NOrPPO sa isinagawang motorcade, na nagsilbing daan upang higit pang mapalakas ang ugnayan ng kapulisan, pamahalaan, at komunidad.

Sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo, muling pinatutunayan na mas nagiging makabuluhan at epektibo ang serbisyo publiko kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang iba’t ibang sektor at ahensya ng pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan tungo sa isang mas ligtas, mas maayos, at serbisyong pamahalaang tunay na nararamdaman ng bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *