PENRO Cotabato, nakiisa sa Clean-Up Drive sa Kidapawan City

Nakiisa ang Provincial Environment and Natural Resources sa clean-up drive na isinagawa sa Brgy. Poblacion, Kidapawan City, North Cotabato nito lamang Oktubre 1, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan pangungunahan ni PCMS Michael Jordan kasama ang mga miyembro ng Maritime Group, Provincial Environmental and Natural Resources Office at mga kawani ng naturang lugar.

Sama-sama at tulong-tulong ang grupo sa paglilinis at pamumulot ng mga basura na naglalayong itaas ang kamalayan ng lipunan sa kapaligiran at mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad. Ito rin ay bilang pagsuporta sa Maritime Archipelagic Nation Awareness Month (MANAMo).

Ang PENRO Cotabato katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong nagkakaisa tungo sa payapa at maunlad na lipunan para sa Bagong Pilipinas. Panulat ni Toleme

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *