LGU, nagsagawa ng Information Drive Anti-Terrorism Awareness sa South Cotabato
Nagsagawa ng Information Drive Anti-Terrorism Awareness ang Local na Pamahalaan ng Norala na ginanap sa Fabiala Villa Gasis National High School, sa Barangay Puti, Norala, South Cotabato, nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Local na Pamahalaan ng Norala katuwang ang mga Personnel ng Norala Municipal Police Station na boluntaryong nakiisa sa aktibidad. Humigi’t kumulang 70 na estudyante ang nakilahok sa nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibida na mapalawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mga epekto ng terorismo sa isang komunidad at bansa. Kasama rito ang mga epekto ng karahasan, pagkawasak ng mga ari-arian, at pagkawala ng buhay ng mga inosenteng tao.