Simultaneous Tree Planting Activity, isinagawa sa Maguindanao del Norte
Matagumpay na isinagawa ang Simultaneous Tree Planting Activity sa Brgy. Mirab, Upi nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang aktibidad na may temang “Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan” ay pinangunahan ng Local Government Unit ng naturang lugar katuwang ang Provincial Government of MDN, Upi MPS, BFP, AFP at nakapagtanim ng 50 na seedlings.
Ang aktibidad ay isang hakbang patungo sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan, kapulisan, at mga mamamayan upang mapabuti ang kalikasan at kaligtasan sa komunidad.