Pagpapalakas ng Kaalaman sa Pagbasa: ONE DIVISION READING PROGRAM at Project MORE, isinagawa sa Sergio Osmeña National High School

Isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa sa Sergio Osmeña National High School noong miyerkules ika-27 ng Nobyembre 2024. Ito ay ang pagsasakatuparan ng ONE DIVISION READING PROGRAM na kaakibat ng school-wide project na MORE o “Motivation and Opportunities for Reader’s Engagement.”

Ang nasabing programa ay idinaos sa Pob. Bajo, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte. Pinangunahan ng mga tauhan ng Sergio Osmeña Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Captain Dante B Tabotabo, Officer-In-Charge katuwang ang mga guro ng nasabing paaralan.

Ang programa ay naglalayong paunlarin ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral at itaas ang antas ng literacy sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng iba’t ibang sektor.

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor sa pagtugon sa pangangailangan ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *