Community Consultation for the ASPIRE PROJECT of the United Nation Development Program isinagawa sa Maguindanao del Norte

Matagumpay na naisagawa ang Community Consultation para sa ASPIRE PROJECT ng United Nations Development Program (UNDP) sa Brgy. Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong ika-9 ng Disyembre 2024. Ang naturang aktibidad ay pinanguhan nina G. Ronnie Arap Jr. at Ryan Dave Jungco, Project Analyst na dinaluhan ni Police Lieutenant Colonel Michaek B Tinio, Provincial Director ng Maguindanao del Norte PPO; Police Major Aaron Acuña, C, POMU at Police Lieutenant Annaliza D Aguilar, Asst. Chief ng PCADU.

Ang konsultasyon ay nakatuon sa pagpapalakas ng ugnayan ng mga lokal na stakeholders upang talakayin ang mga mahahalagang isyu ng sosyo-ekonomiko at mga hamon sa pagpapatatag ng kapayapaan sa lalawigan.

Ang ASPIRE PROJECT, isang estratehikong inisyatiba ng UNDP, ay naglalayong mapabuti ang katatagan ng komunidad at itaguyod ang kaunlaran sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, law enforcement, at mga lokal na komunidad.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng PNP na aktibong suportahan ang mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at inklusibong pag-unlad sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *