Municipal Joint Security Control Center Meeting at Send-Off Ceremony, isinagawa sa Samar
Matagumpay na isinagawa ng Commission on Election ang Municipal Joint Security Control Center Meeting at Send-Off Ceremony sa Municipal Covered Court, Barangay Poblacion 3, San Sebastian, Samar nito lamang Mayo 5, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Commission on Election (COMELEC)-San Sebastian sa pangunguna ni Ms. Mary Soren G. Camposano, Election Officer II katuwang ang San Sebastian Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Larry A Sarsosa, Officer-In-Charge, mga kawani mula Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Bureau of Fire Protection (BFP), Non-Government Organizations (NGOs), Faith-Based Leaders, mga tanod at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ang agenda ng pagpupulong ay nakatuon sa pag-update sa kahandaan sa halalan, pagtugon sa mga potensyal na hamon, paglalagay ng mga kagamitan sa halalan at mga tauhan na itinalaga sa kani-kanilang mga presinto ng botohan at pag-istratehiya para sa epektibong pamamahala sa halalan.
Kasunod ng MJSCC ay isang send-off ceremony na nagpaparangal sa napakahalagang kontribusyon at mahalagang papel ng mga stakeholder at volunteers sa Halalan.
Nananatiling nakatuon ang PNP sa pangangalaga sa demokratikong proseso ng halalan 2025 sa pamamagitan ng pagtiyak ng ligtas at patas na kapaligiran para sa lahat.