Unity Walk for Clean, Honest, Accountable, Meaningful, and Peaceful Elections, isinagawa sa Dagupan City
Nagsagawa ng Unity Walk o “LAKAD Pangasinan” ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Volunteers sa pangunguna ni Ms. Janice Hebron, PPCRV Provincial Coordinator nito lamang Sabado, Mayo, 3, 2025 sa Dagupan City, Pangasinan.


Kasama sa naturang aktibidad ang COMELEC sa liderato ni Atty. Ericson Oganiza, Pangasinan Supervisor; pati na rin ang mga kapulisan sa pangunguna ni PCOL ROLLYFER J CAPOQUIAN, Provincial Director ng Pangasinan PPO; at Atty. Michael Franks Sarmiento, COMELEC City Officer.
Bago magsimula ang aktibidad, ginanap muna ang isang maikling misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Jomar Claveria sa St. John the Evangelist Cathedral. Sa pagtatapos naman ng programa, nanumpa ang lahat para sa isang ligtas, tahimik at patas na eleksyon.
Ang LAKAD PANGASINAN o Unity Walk at Misa and Misa ng Bayan for Clean, Honest, Accountable, Meaningful, and Peaceful Elections ay naglalayong palalimin ang diwa ng pagkakaisa at responsibilidad sa halalan ngayong 2025.
Source: Dagupan PIO