BPAT, sumailalim sa Symposium Activity 

0
viber_image_2025-05-05_18-45-13-459

Sumailalim sa Symposium Activity ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na ginanap sa Compostela, Cebu, noong ika-4 ng Mayo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Compostela Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Lino Tryss D Galvan III, Officer-In-Charge.

Sa naturang aktibidad, isinagawa ang masusing pamamahagi ng impormasyon ukol sa iba’t ibang mahahalagang isyu. Tinalakay ang Anti-Insurgency at Anti-Terrorism awareness, pati na rin ang mga batas gaya ng RA 7610 na naglalayong protektahan ang mga kabataan laban sa pang-aabuso, at RA 9262 na tumutugon sa karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak. Bahagi rin ng tinalakay ay ang mga paraan ng pag-iwas sa krimen, lalung-lalo na sa panahon ng halalan.

Bukod dito, binigyang-diin din ang mga kampanya laban sa ilegal na droga, cybercrime, bank robbery, pambobomba, at iba pang uri ng kriminalidad. Ipinaabot din sa mga dumalo ang ilang mahahalagang paalala ukol sa seguridad at kahalagahan ng pakikilahok sa darating na National at Local Elections 2025.

Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, mas lalong pinatibay ang kooperasyon ng bawat isa tungo sa isang mas ligtas at maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *