Mga residente, nakiisa sa Information Drive sa Ozamis City
Nakiisa ang mga residente sa isinagawang information drive sa Barangay Sangay Diot, Ozamis City nito lamang ika-29 ng Disyembre 2024. Pinangunahan ito ni Police Staff Sergeant Arnil Lomonggo, Shift Patrol Supervisor ng Ozamis City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Harvey Serrano Abellanosa, Officer-In-Charge.

Ang nasabing aktibidad ay nagkaroon ng lecture patungkol sa Anti-Illegal Drugs Advocacy Campaign at Crime Prevention Tips at namahagi rin ng mga infographic materials na may kaugnayan sa pagsalubong ng panibagong taon na matiwasay at iwas sa anumang sakuna.
Ito ay para maikintal sa mga kaisipan ng mga residente na magkaroon ng kamalayan at makabahagi rin ng mga kaalaman sa kani-kanilang kasapi sa nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na ito na mas maging malapit ang mga kapulisan sa komunidad at maibahagi sa mga residente ang kanilang mga karapatan para sa ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.