Barangay Based Advocacy Group, nakiisa sa isinagawang Lecture sa bayan ng Enrile
Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy Group sa pangunguna ni Punong Barangay Wilson C Macarilay sa isinagawang lecture sa Barangay Alibago, Enrile, Cagayan noong ika- 11 ng Marso 2025.

Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy Group sa pangunguna ni Punong Barangay Wilson C Macarilay sa isinagawang lecture sa Barangay Alibago, Enrile, Cagayan noong ika- 11 ng Marso 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PSMS Marlyn P Banan, Municipal Community Affairs and Development, PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office.

Tinalakay ang tungkol sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (RA 11930) at Anti-Illegal Drugs o ang programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA at kaugnay sa kampanya sa iligal na droga at pag-iwas sa krimen para sa darating na National Local Election (NLE) 2025.
Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga Barangay Based Advocacy Group upang mapanatili ang kaligtasan at mabawasan ang krimen at mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Ang Barangay Based Advocacy Group ay patuloy na makikiisa at susuporta sa programa ng Pambansang Pulisya tungo sa isang ligtas at maunlad na bagong pilipinas.