Force Multiplier, nakiisa sa Pulong-pulong sa Negros Oriental
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa isinagawang pulong-pulong na ginanap sa Barangay Humay-humay, Guihulngan City, Negros Oriental, noong ika-14 ng Marso 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Guihulngan City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Lirio C. Coral, Officer-in-Charge.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang usapin tulad ng Anti-Terrorism, Crime Prevention, at mga Security at Safety Tips. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng kahandaan ng bawat isa, lalo na sa nalalapit na National and Local Elections (NLE) 2025.
Ipinabatid sa mga dumalo kung paano makakatulong ang simpleng pagbabantay at agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar.
Malaki ang papel na ginagampanan ng Force Multipliers sa pagsuporta sa mga programa ng pulisya. Bilang katuwang ng PNP, sila ay inaasahang maging mata at tainga ng batas sa kanilang mga barangay upang mapigil ang anumang banta ng krimen o kaguluhan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay at dayalogo, mas napapalakas ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad tungo sa mas ligtas at mapayapang pamayanan.