KKDAT, nakiisa sa Outreach Program sa Kalamansig, Sultan Kudarat
Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang outreach program para sa mga kabataan sa Sitio Pusot, Barangay Limulan, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-4 ng Mayo 2025.
Nakiisa din sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Kalamansig Municipal Police Statiuon sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Rodney V Biniya, Hepe ng nasabing istasyon.
Lumahok din ang mga Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni Renz D Arguelles, President.
Nagkaroon ng storytelling sessions, group reading activities at parlor games ang mga dumalong kabataan.
Nagbigay din ng maiksing talakayan ang Kalamansig PNP patungkol sa Anti-Illegal Drugs at Terorismo.
Binigyang diin ang RA 9262 o Violence Against Women and Their Children Act at RA 11313 o Safe Spaces Act.
Ang panghuli binigyan ang mga kabataan ng snacks at food packs.
Sa pamamagitan ng mga hakbangin na tulad nito, muling pinagtitibay ng KMPS, KKDAT, at SK ang kanilang sama-samang pangako sa pag-aalaga ng mas ligtas, mas may kaalaman, at mas matatag na komunidad, partikular sa malalayong lugar at hindi gaanong naseserbisyuhan tulad ng Sitio Pusot.


