BPATs, nakiisa sa checkpoints sa Peñablanca
Aktibong nakiisa ang mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPATs sa pagsasagawa ng Gun Ban Checkpoints at OPLAN SITA ng Peñablanca Police Station sa Barangay Baliuag, Peñablanca, Cagayan noong ika-3 ng Mayo 2025.
Katuwang ng grupo ang Peñablanca PNP at 1st Cagayan PMFC sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad upang hadlangan ang anumang karahasan kaugnay sa halalan.
Patuloy na nakaalerto ang grupo sa pagbabantay upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at pagsunod sa umiiral na batas, partikular na ang COMELEC Gun Ban.
Isinailalim sa masusing inspeksyon ang mga sasakyan at motorista upang tiyakin na walang bitbit na ipinagbabawal na armas at kontrabando na maaaring magamit sa karahasan.
Ang BPATs ay patuloy na nakikipagtulungan sa kapulisan bilang bahagi ng pinaigting na programa ng pamahalaan laban sa anumang uri o banta ng seguridad. Sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon, naipapakita ng mga BPATs ang kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan lalo na ngayong panahon ng halalan, at sa pagtutok sa pagsulong ng ligtas at mapayapang komunidad sa ilalim ng Bagong Pilipinas.