Joint Community Outreach, handog sa IP Community sa Palawan

Matagumpay na isinagawa ang Joint Community Outreach na pinamagatang Bataraza Outreach na ginanap sa Taysay Elementary School, Barangay Bono Bono, Bataraza, Palawan nito lamang ika-19 ng Mayo 2025.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Bangketa Eskwela Foundation, Palawan sa pangunguna ni Ms. Dara Mae H. Tuazon, Founder at President ng BEF sa pakikipagtulungan sa CBNC-COMREL sa pamumuno ni Ms Faye Peralta bilang  Adviser, mga tauhan ng 18th Special Forces Company at mga volunteers. Nakiisa rin ang mga tauhan ng Bataraza MPS.

Handog sa mga benepisyaryo ang libreng gupit, parlor games, pagkukuwento, at paggawa ng sining na pinakinabangan ng halos 100 mga mag-aaral ng IP community mula sa Taysay Elementary School.  Gayundin, nakatanggap sila ng school supplies at pagkain mula sa Jollibee. 

Layunin ng aktibidad na pagyamanin ang pagmamahal sa edukasyon ng mga bata, tumulong sa pagbabago ng kanilang buhay para sa mas maliwanag na kinabukasan, at manatiling nakatuon sa pagiging ahente ng pagbabago at pagbuo ng bansa. Ang inisyatiba na ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako sa paglilingkod at pagsuporta sa mga katutubo sa Bataraza, Palawan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *