Livelihood Program isinagawa sa Dumaran, Palawan

0
viber_image_2025-06-13_10-04-41-939

Matagumoay na isinagawa ang livelihood program na ginanap sa Barangay Catep, Dumaran, Palawan nito lamang ika-10 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Dumaran MPS, na nilahukan ng mga single mother, solo parents, at senior citizens ng nabanggit na lugar. 

May kabuuang 16 na kababaihan mula sa iba’t ibang sektor ang aktibong lumahok sa nasabing aktibidad. Bilang bahagi ng suporta, namahagi din ang mga tauhan ng PNP ng dishwashing kit sa mga kalahok upang matulungan silang simulan ang kanilang small-scale production sa bahay.

Ang inisyatiba na ito ay naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga kalahok na may mga praktikal na kasanayan upang suportahan ang pagbuo ng kita at itaguyod ang pagsasarili sa loob ng komunidad. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *