Project Batman, muling umarangkada sa lalawigan ng Quirino
Muling isinagawa ang Project BATMAN na may ibig sabihing “Be a Total Man – Operation Tuli” na ginanap sa Philippine Pentecostal Church, Barangay Gregorio Pimentel, Diffun, Quirino, nito lamang ika-11 ng Hunyo 2025 sa ganap alas 9:00 ng umaga.


Pinangunahan ni Hon. Julius Caesar S. Vaquilar, Vice Governor ng Quirino katuwang ang mga tauhan ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company ng Quirino Police Provincial Office.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng kapulisan at pamahalaang panlalawigan na maghatid ng serbisyong medikal at panlipunan para sa kapakanan ng mga mamamayan, lalo na sa mga kabataang nangangailangan.
Ang proyektong ito ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kalinisan kundi isa ring hakbang tungo sa pagiging ganap na responsableng lalaki.
Layunin ng proyektong ito na tumulong sa kalinisan at kalusugan ng mga kabataan sa komunidad.