Force Multipliers, nakiisa sa seguridad sa Makilala, Cotabato

0
photo_2025-05-31_20-52-59

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang police visibility at security sa Senior Citizen Payout sa iba’t ibang barangay ng Makilala, Cotabato nito lamang ika-28 ng Mayo 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Makilala Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza, Officer-In-Charge ang pagbibigay ng seguridad sa lugar.

Tumulong mga kawani ng mga barangay. Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kaligtasan ng mga benepisyaryo, maging maayus at matagumpay ang pamamahagi ng ayuda sa mga Senior Citizen.

Ang BPATs at PNP ay sama-sama at nagkakaisa na maibigay ang seguridad sa mga nasasakupan.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga force multipliers ng barangay upang mas lalong makamit ang ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *