Pulong-pulong ukol sa mga batas, isinagawa sa DavNor
Isinagawa ang pulong-pulong ng mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) ng Kinamayan Cluster sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Davao del Norte nito lamang Mayo 27, 2025.
Layunin ng pagtitipon na magbigay ng mahalagang impormasyon sa mga residente ukol sa ilang batas kabilang ang Republic Act 8353 o Anti-Rape Law, Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act, at ang Anti-Terrorism Act.
Sa pamamagitan ng mga talakayan, pinaliwanag ng mga awtoridad ang mga paraan ng paglabag sa mga nabanggit na batas, pati na rin ang mga karampatang parusa.

Nagsilbi din itong plataporma sa mga mamamayan upang mailahad ang kanilang mga hinaing, katanungan, at mga isyung kinahaharap ng kanilang komunidad.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya kaugnay sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang mas mapalapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan at mapatibay ang kanilang kaalaman at tiwala sa batas.
Positibo naman ang naging tugon ng mga residente sa isinagawang pulong, kung saan nakita ang kanilang aktibong pakikilahok at pagpapahalaga sa mga impormasyong ibinahagi ng mga awtoridad.