Community Outreach Program, isinagawa sa Carapdapan ES sa Eastern Samar
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Carapdapan Elementary School sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Carapdapan, Salcedo, Eastern Samar nito lamang Biyernes ika-25 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Salcedo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Julio M Quilbio, officer-In-Charge katuwang ang mga guro ng Carapdapan Elementary School.

Binigyang-diin ng inisyatiba ay ang pagbibigay ng regalo at feeding activity. Nagkaroon rin ng lecture at parlor games na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral.
Layunin ng programa na pasiglahin pa lalo at mas pagtibayin pa ang ugnayan ng komunidad at ng pulisya sa pamamagitan ng parehong mga aktibidad hindi lamang sa nasabing bayan kundi sa huong rehiyon ng Eastern Visayas.