Waves of Hope: Kids Dream Surf 2025, naghatid ng saya sa mga differently-abled children sa La Union

0
viber_image_2025-09-09_14-38-44-047

Noong Setyembre 7, 2025, isinagawa sa baybayin ng San Juan, La Union ang proyektong Kids Dream Surf 2025, kung saan 72 differently-abled children ang nakaranas ng saya ng pagsuong sa alon at pagtuklas ng bagong kakayahan sa tulong ng 25 volunteer surfers, mga guro, therapists, at iba pa.

Pinangunahan ito ni Dra. Glenda Bello sa pamamagitan ng Health Pro Polyclinic & Multi-Specialty Center ng Southern Ilocos Sur Medical Society, katuwang ang Inner Wheel Club of La Union, Rotary Club of San Fernando La Union, UAP, at iba pang organisasyon.

Kabilang din sa mga tumulong ang San Juan Surf Resort, Monfort Foundation Inc., A Child’s Dream, Try Local PH, at Surfers of Ilocos Sur Riding School (SISRS).

Bukod sa surfing, nagkaroon din ng masayang aktibidad, pamamahagi ng pagkain, laruan, at t-shirts para sa mga bata.

Para sa mga bata, ito ay isang hindi malilimutang karanasan. Para naman sa mga tagapag-organisa, ito ay patunay na sa pagkakaisa at malasakit, kayang makalikha ng mga “waves of hope” na nagbibigay-inspirasyon sa komunidad.

Source: Inner Wheel Club of La Union South – D379; Inner Wheel Club of San Fernando La Union – District 379

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *