Isang hakbang tungo sa mas malinis na mundo: Tree Planting Activity ng Parokya
Bilang bahagi ng paglulunsad ng Season of Creation 2025 sa Parokya ng St. Andrew the Apostle Parish, nagsagawa sila ng isang makulay at makahulugang Tree Planting Activity noong Setyembre 6, 2025 sa Barangay Portic, Bugallon, Pangasinan.
Pinangunahan ito ni Rev. Fr. Raymond “Bok” Oligane, Parish Social Action Commission, Knights of Columbos Council 16149, Ministry of the Altar Server, Portic Brgy. Council at iba pang mga parokyano, sama-sama nilang inilunsad ang isang proyekto na naglalayong magsimula ng mga hakbang para sa mas maayos at mas berdeng kalikasan.

Ang temang “Peace of Creation” ay nagbibigay paalala sa atin na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang isang tungkulin, kundi isang misyon. Sa pamamagitan ng pagtatanim, nag-alay sila ng mga binhi ng pag-asa na magbibigay daan sa isang mas makulay at matatag na bukas para sa kalikasan at sa susunod na henerasyon.
Ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang para sa kapakinabangan ng kalikasan, kundi isang simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng buong komunidad.
Source: St. Andrew Parish – Bugallon