Pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary, opisyal nang nagsimula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan

0
viber_image_2025-09-10_13-20-16-421

Nagdaos ng ika-125 anibersaryo ang Philippine Civil Service na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan” na ginanap sa Municipal Covered Court sa bayan ng Balabac, Palawan noong Setyembre 8, 2025

Pinangunahan nina Gob. Amy Roa Alvarez, Bise Gobernador Leoncio Ola, at Director Marietta P. Santos ng CSC Field Office Palawan ang selebrasyon. Samantala, binigyang-diin sa selebrasyon ang hindi matitinag na dedikasyon ng mga lingkod-bayan sa pagbibigay ng tapat, episyente, at maaasahang serbisyo publiko.

Dagdag pa ay masiglang nakilahok ang mga kawani ng Coast Guard Station Southwestern Palawan (CGSSWP), kasama ang Maritime Environmental Protection Enforcement and Response Unit (MEPERU)-Balabac, Coast Guard Special Operations Unit (SOU)-Balaba at Balaba MPS.

Bukod sa seremonya, nagsilbi rin ang aktibidad bilang pagkakataon upang higit na mapalapit ang mga kawani ng pamahalaan sa mga mamamayan at mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang ahensya para sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa lalawigan.

Ang masayang pagtitipon ay nagsilbing patunay ng pagkakaisa at maigting na paglilingkod ng mga kawani, kasabay ng iba pang aktibidad na inihanda para sa selebrasyon ng CSC Anniversary na magpapatuloy sa buong buwan ng Setyembre.

Source : Palawan Island Network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *