Bamboo Planting at Groundbreaking Ceremony para sa mga PAMANA FY 2025 Projects, inilunsad sa Aklan
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month, pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang makabuluhang Bamboo Planting at Groundbreaking Ceremony para sa mga PAMANA FY 2025 Projects, na may temang “Mapayapang Bukas Abot-Kamay sa Bagong Pilipinas,” na kinabibilangan ng Construction of Road at Training-Trading Center sa PDC-Ibajay, Brgy. Cabugao, Ibajay, Aklan ngayong ika-30 ng Setyembre 2025.
Katuwang sa nasabing programa ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa pamumuno ni PCOL Arnel E Ramos, Provincial Director, kasama ang mga Municipal Police Stations ng Ibajay, Nabas, at Tangalan.

Aktibong lumahok ang kapulisan bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na palakasin ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, na nagbibigay ng konkretong suporta sa mga proyektong pangkaunlaran.
Malaki rin ang naging papel ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan at ng LGU Ibajay na nagsilbing katuwang sa pagtitiyak na ang mga proyektong PAMANA ay maayos na maisasakatuparan at direktang makikinabang ang mga mamamayan.

Sa kanilang suporta, higit na naipakita ang pagkakaisa ng lokal at pambansang pamahalaan tungo sa iisang layunin, ang kapayapaan at progreso.
Ang pagtutulungan ng OPAPRU, PNP, Pamahalaang Panlalawigan, at LGU ay nagsilbing matibay na batayan ng kolaborasyon, kung saan ang bawat ahensya ay nagbigay ng kanya-kanyang lakas at serbisyo para sa ikabubuti ng mamamayan.
Source: Aklan Police Provincial Office