Agutaya, Palawan, pinalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga, karahasan at pang-aabuso

0
viber_image_2025-10-04_11-21-53-580

Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Agutaya, sa pamumuno ni Mayor Fernando G. Ilustrisimo, Sr., katuwang ang DILG–Agutaya, ang dalawang araw na programa na “SICAP-BADAC 3.0” noong Oktubre 1-2, 2025 sa Agutaya, Palawan.

Kasama sa pinalakas na mga nakilahok ang BADAC, BPOC, BCPC, at LCAT-VAWC, gayundin ang mga brgy officials ng ibat- ibang barangay para sa emergency response. Layunin nito na makabuo ng mas ligtas, matatag, at child-friendly na pamayanan sa lalawigan ng Palawan.

Katuwang sa inisyatiba ang Agutaya PNP BFP–Agutaya Fire Station, MSWDO, at MDRRMO. Nakaangkla ito sa mga umiiral na batas tulad ng RA 7160, RA 9262, RA 7610, RA 9208 (amended by RA 10364), RA 9775, at RA 11930 na nagbibigay proteksiyon laban sa droga, karahasan, trafficking, at online sexual abuse.

Ayon kay Jun Marvin G. Salvacion, tanging sa pagkakaisa ng mga institusyon at barangay maisusulong ang isang drug-free, ligtas, at makataong komunidad para sa lahat ng Agutayeño.

Layunin ng programang ito na palakasin ang mga barangay-based na institusyon laban sa ilegal na droga, karahasan, at pang-aabuso.

Source: DILG agutada

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *